Martes, Hunyo 2, 2009

Teo Baylen

Ang guniguni mo'y paglakbayin doon,

Sa madugong landas ng ating dantaon.

Ang masasalubong ay isang panahon ,

Na pumaparito'y ilang tanong.

Ito ba ang lupang aking aangkinin

na tira-tirahan ng apoy at talim?

Ito ba ang manang aking aangkinin,

na sambuntong abo at nangangangang libing?

Ito ba ang mundong hinila kung saan,

ng gulong ng inyong hidwang kaunlaran?

Ito ba ang bunga ng sining mo't agham

ito ba ang aking manang kalinangan?

Ito ba ang parang at iyon ang bundok?

na daratnan kong uling na at tuod

Ito b ang wakas sa layon ng Diyos

na ang unang tao'y abutan ng dulos?

Iyan ba ang bukid na walang naimbak

kundi bungo ng mga kaanak

Binaog ng inyong punlong makamandag

at wala ni damo'y dya'y nagugat?

Kahubdan at gutom , isipang salanta

bigong pananalig at pagasang giba

ito ba ang manang aking mapapala?

na labi ng inyong labi at sumpa?

O sangakatuhan ng dantaong io

na dapat sisihin ng mga inapo

ano sa darating ang isasagot mo

sa sumbat ng lahing sususnod sau?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento